Brough to you by:

Saturday, May 28, 2011

Puzzle: Manok at Baboy

sa loob ng farm. merong mga hayop, pinagsamang baboy at manok.
pag binilang mo ang mga paa, aabot ng 102 na paa
pag bibilang mo ang mga ulo, aabot naman ng 50
ang tanong,
ILANG MANOK AT ILANG BABOY DAPAT?

Sunday, February 6, 2011

Puzzle: Field Trip

basahin mabuti:
magpi-fieldtrip kayo.
kailangan kang magsakay ng 20 katao sa bus.
ang pera mo ay 20 pesos.
ang pamasahe ng kada 1 bata ay   .50 centavos
ang kada dalaga  ay  2 pesos
ang kada  matanda ay 3 pesos

ang tanong:
ilang bata, ilang dalaga at ilang matanda ang isasasakay mo?


paalala:
20 pesos lang ang pera mo at kailangan 20 katao din ang maisakay mo.
pagkasiyahin mo. bahala ka basta sakto 20 pesos at 20 katao.










kung suko ka na?
ang sagot ay nandidito



Saturday, December 25, 2010

Fb Password

pedro: alam ko na password mo sa fb juan!
juan: wehh, ano password ko?
pedro: 6 tuldok

Wednesday, December 22, 2010

Puzzle: Mahiwagang garapon

Si pedro ay may mahiwagang garapon, tuwing maglalagay siya ng biskwit dito, dumodoble ang bilang nito kada isang oras, dumating ang pang-isangdaan(100) na oras at napuno ang garapon.
Ang tanong, pang ilang oras naging kalahati ang laman ng garapon

Tuesday, December 21, 2010

mga tanong

1 tanong: Paano mo maipapasok ang elepante sa refrigerator?

sagot:
buksan mo yung ref, tapos ipasok mo yung elepante, at isara mo ulet ang ref.
( wag nang magtaka, basta nagkasya ung elepante ok)


2 tanong: Paano mo naman ipapasok ang giraffee sa ref?

sagot:
buksan mo yung ref, tanggalin ung elepanteng nasa loob nito, at saka ipasok naman ang giraffee sabay isara ang ref.


3 tanong: May eroplanong magka-crash, inutos ng piloto nito sa mga pasahero na maghagis ng mabigat na gamit, Anong ihahagis mo?

sagot: edi yung ref na may lamang giraffee.


4 tanong: Naliligo si pedro kasama si juan sa isang swimming pool, nakalingap lang si pedro ay biglang nawala ang kaibigan niyang si juan. Anong nangyari kay juan?


sagot: nabagsakan ng ref na hinagis mula sa eroplano.


5 tanong: sinong hari ng kagubatan?

sagot: si Tarzan


6 tanong: ano ang hari ng mga hayop?

sagot: Leon


7 tanong: Si haring leon ay nagpapapulong, inanyayahan ang lahat ng klase ng hayop, anong hayop ang hindi dumating?

sagot: click mo dito

Monday, December 20, 2010

Sari-sari Store Question

Anong bagay ang tinitinda sa isang sari-sari store ang hindi gawa ng tao?

comments nyo na lang ang sagot :)
bawal i google


click here kung give up ka o gusto lang malaman ang sagot ko

Sunday, December 19, 2010

Lagi na lang Mali

Anak: tay bakit ganoon palagi? lahat na lang ng ginagawa ko mali sa inyo, mali ung gupit ko, pananamit ko, pagsasalita ko. wala na akong ginawang tama. siguro kasi hindi niyo ako mahal!
Tatay: nagkakamali ka anak!
Anak: yan nanaman kayo