Showing posts with label jokes. Show all posts
Showing posts with label jokes. Show all posts

Tuesday, May 12, 2015

Ang Giant Pool ng Hari

May isang hari na gustong malaman kung sino ang pinaka-matapang sa kanyang kaharian. Kaya pinuno nya ng pating, piranha, at ahas ang kanyang giant swimming pool...
Hari: Kung sino man sa inyo ang lalangoy mula sa isang dulo hanggang kabilang bahagi ng swimming pool na hindi namamatay ay gagantimpalaan ko ng kahit anong gusto niya... pera, chiks, o kapangyarihan.
Matagal na katahimikan, walang nag-volunteer. hanggang sa may narinig na lang silang splash ng tubig.
Si Pedro ang lumalangoy sa pool. Ang bilis niya. Nailagan niya lahat ng pating, piranha at ahas.
Umahon siya sa kanilang bahagi ng pool na humihingal...
Hari: Pedro, dahil sa iyong katapangan may gantimpala ka. pera, chiks, o kapangyarihan... ano ang gusto mo?
Pedro: Mahal na hari (hingal)... ang gusto ko lang (hingal)... ay malaman kung sino ang P***nginang nagtulak sakin.

credits: facebook.com

Thursday, March 12, 2015

Imbensyong Naglilipat ng Sakit

Sinugod ni mister si misis sa hospital dahil manganganak na ito.
Agad kinausap si mister ng doktor habang naglalabor ang asawa.

DOKTOR: May naimbento akong bagong machine na maglilipat ng nararamdamang sakit ni misis sa tatay ng bata habang nanganganak. Payag ka bang subukan ito para hindi mahirapan sa panganganak si misis?! Pumayag ang mag-asawa na subukan ang bagong imbensyon ng doktor..

DOKTOR: Ise-set ko muna ng 10% ng sakit ay malilipat sa'yo dahil kahit 10% lang eh napakasakit na kasi, hindi mo naman alam kung gaano kasakit manganak.

Habang nanganganak si misis ay ok at walang nararamdaman si mister.

MISTER: Dok, ilipat mo pa ang 20% ng sakit sakin!

Sinunod ng doktor at in-adjust ang machine ngunit mabuti parin ang pakiramdam ni mister.

MISTER: Dok, 40% pa ng sakit ang ilipat mo sakin!

Ayos na ayos parin ang pakiramdam ni mister kaya pinasya niya na ilipat na lang sa kanya ang lahat ng sakit para hindi na mahirapan manganak si misis.

Successful ang operasyon, malusog ang sanggol at walang kahit anong sakit na naramdaman. Masayang umuwi ang mag-asawa at pagdating sa bahay nakita nilang patay at nakabulagta sa garden ang hardinero.

nagkatinginan ang mag-asawa. parang may iniisip.

(hindi sa akin ito, napulot ko lang sa kung saan. credits to pinoyden.com)

Saturday, June 22, 2013

I Know the Truth

AnaK: Mom i know the truth
Mom: ha?? eto P500 huwag ka lang maingay sa Dad mo!!

Anak: Dad i know the truth
Dad: ha?? eto ang P1000 huwag ka lang maingay sa Mom mo

Anak: (ok pa ito… subukan ko nga sa katulong) Inday i know the truth!!!
Inday: SA WAKAS!!! YAKAPIN MO AKO ANAK!!!


Mula sa : https://www.facebook.com/Natatawanako

Wrong Spelling

Guard: Sus, ginoo! Ikaw lang pala. Akala ko multo ka! Ano ba yang pinupukpok mo diyan sa lapida?

Babae: Basta.

Guard: Bukas na yan, malalim na ang gabi.

Babae: Nakakainis kasi! Wrong spelling ang pangalan ko dito!


Mula sa : https://www.facebook.com/Natatawanako

Sunday, June 2, 2013

Three Guys Drunk Entered a Taxi

Three guys drunk antered a taxi. The taxi driver knew that they were drunk so he started the engine and turned it off again. Hr told them "We have reached".
The 1st guy gave him money and the 2nd guy said "thank you". The 3rd guy gave a driver a slap.
The driver was shocked, thinking the 3rd drunk knew what he did. But he asked "What that for?".
The 3rd guy replied:
"CONTROL YOUR SPEED NEXT TIME, you nearly kiiled us".

:)

From FB: https://fbcdn-sphotos-a-a.akamaihd.net/hphotos-ak-ash3/936328_668780863138020_58617724_n.jpg

Wednesday, May 29, 2013

Math Teacher and a Student

TEACHER: If i had 6 jellys, and you had 7 how many jellies do both of us have? 
STUDENT : 13 Sir.
 TEACHER: Thats Correct! Now if i took 3 off of you, what will i have?
 STUDENT: 2 black eyes Sir.
mula sa: http://www.tumawa.com

Driver at Kano

KANO: I tour mo nga ako sa manila!
DRIVER: Sige sir..
KANO: Ilang years ginawa yang araneta coliseum?
DRIVER: More dan 3 years sir.
KANO: Sus! dun sa state 10 months lang yan!
DRIVER: Ah
KANO: Yang mall of asia?
DRIVER: More dan 2 years sir.
KANO: Ang tagal naman.sa state 4 months lang yan.a (Nainis ang driver)
KANO: Hhhmmm... E yang ayala center?
DRIVER: Ewan ko! WALA PA YAN KANINA E.


mula sa: http://www.tumawa.com

Friday, March 15, 2013

Ms. Pruke

Si juan at ang kaklase niya ay may bagong guro na mukhang masungit at istrikto.
sa loob ng classroom...
teacher: class! my name is Ms. Pruke with R, Pruke.

ng sumunod na araw....
teacher: okay class, what's my name again?
Juan: ma'am  alam ko yun eh with R. ahhh alam ko na...Prekprek?!

Tuesday, March 20, 2012

Si Juan at ang Asawa Siyang Agaw-Buhay

Nakaupo sa tabi ng kanyang asawang agaw-buhay si Juan.

Hawak hawak niya ang kamay nito at nararamdaman ni Juan

na hindi na magtatagal at babawian na ng buhay ang kanyang asawa.

"Juan, bago ako mamatay, mayroon akong gustong ipagtapat

sa iyo."

"Mahal, huwag ka ng magsalita at makakasama pa sa iyo."

"Pero Juan, kailangan talagang malaman mo na........"

"Sssshhhh, kung ano man iyon ay hindi na mahalaga, ang

importante ay nasa tabi mo ako sa huling sandali mo

rito sa mundo."

"Juan, nais kong ipagtapat sa iyo na pinag-taksilan kita

sana ay patawarin mo ako."

"Alam ko iyon, kaya nga kita NILASON."

Tuesday, January 31, 2012

Tirador

Doctor: anung gagawin mo pag nkalabas ka ng mental?
Pasyente: titiradurin ko ung buwan
Doctor: mag stay ka pa ng limang buwan
( 5 months Later)
D: anung gagawin mo pag nkalabas ka ng mental?
P: uuwi ako sa amin
D: tapos?
P: magtatrabaho ako
D: tapos?
P: manliligawa ako ng babae
D: tapos?
P: magpapakasal kami
D: tapos?
P: maghahanimoon kami
D: tapos?
P: huhubarin ko damit nya
D: tapos?
P: huhubarin ko short nya
D: tapos?
P: huhubarin ko bra nya
D: tapos?
P: huhubarin ko panti nya
D: tapos?

P: kukunin ko yung gater gagawin kong TIRADOR

(TITIRADORIN KO YUNG BUWAN)

Saturday, December 25, 2010

Fb Password

pedro: alam ko na password mo sa fb juan!
juan: wehh, ano password ko?
pedro: 6 tuldok

Sunday, December 19, 2010

Lagi na lang Mali

Anak: tay bakit ganoon palagi? lahat na lang ng ginagawa ko mali sa inyo, mali ung gupit ko, pananamit ko, pagsasalita ko. wala na akong ginawang tama. siguro kasi hindi niyo ako mahal!
Tatay: nagkakamali ka anak!
Anak: yan nanaman kayo

Tuesday, August 18, 2009

Gloria Repeater?


Ayon sa balita. "failing grades daw ang hatol ng taumbayan kay PGMA". wika ng oposisyon.
totoo yun diba?.

sagot naman ni PGMA:
ah ganun, failing grades? gusto niyo repeater ako.
an saya saya noh?!

Sunday, August 16, 2009

Pustahan

sa loob ng eroplano merong 2 biyahero. isang pilipino at isang abogado.
"huy maglaro tayo ng puzzle" ang anyaya ng abogado abogado sa pilipino
(hindi kumibo ang pilipino)
"masaya to! ganito ang pustahan, magtatanong ako at pag 'di mo nasagot bibigyan mo ako ng limang dolyar, at pag ikaw naman ang nagtanong at di ko nasagot, 500 dolyar naman ang ibibgay ko". ano pwede ba yon?. ang anyaya ng abugado

"O sige kol ako diyan" pumayag ang pilipino. at nagsimula ng magtanong ang abugado.

"gaanong kilometro kalayo ang distansya ng earth sa moon?" tanong ng abugado.
hindi nakasagot ang pilipino at kinuha sa kanyang bulsa ang 5 dolyar at ibinigay sa abogado.

"oh game ako naman" ang sabi ng pilipino.

"bugtong bugtong, umakyat si tedi sa bundok ngunit pagbaba'y isa na siyang bote. ano siya?

"nagisip ng matagal ang abugado, nagsearch sa internet, at nagtanong sa mga kakilala niyang matatalino. ngunit bandang huli ay wala siyang naisagot. binunot niya ang kanyang pitaka at iniabot ang 500 dolyar sa pilipino. kinuha ito ng pilipino at isinilid sa kanyang bulsa, at nagpatuloy sa pagidlip.

ginising siya ng abugado at nagtatanong kung ano ang sagot.

bumunot ang pilipino ng 5 dolyar at ibinigay sa abugado.

:)

Late sa school

Teacher: Edward bakit ka na-late?

Edward: Nawalan ho kasi ng 500 yung lalaki.

Teacher: Tinulungan mo siyang maghanap?

Edward: Hindi po, tinapakan ko lang hanggang umalis siya.

Maling biro



Ale: doc, kamusta na po ung anak ko!?
Doc: misis, wag po kayong mabibigla, kinalulungkot ko, ngunit kayo na po ang magpapaligo, magpapakain sa kanya at magaasikaso, sapagkat kailangang putulin ang kanyang mga paa at mga braso.
Ale: Ano po! doc, bakit!? baka ho nagkakamali lang kayo!?
Doc: ninerbyos ka no? Joke lang patay na siya!
Referral Banners